Not Another Mushy Love Story – Ragnarok – 13

“Tatlong beses mo lang pwedeng paiyakin ang babae…”

Itay, isang beses ko na siyang napaiyak. May dalawang pagkakataon na lang ako.

Hindi naman ako pwedeng habang buhay na mamuhay na pinipilit kong maging malinis ang sarili ko. Nagiging makasarili na ako, sa pagpapanatili ng imahe ko sa sarili ko ay maaari na akong makasakit ng tao. Sige Camille. Hindi kita lolokohin. Sarili ko na lang. Gusto kita pero hindi ko alam kung hanggang saang punto.

“Mahal din kita…”

Sa pag sambit ko ng mga salitang yan ay humigpit ang hawak niya sa kamay ko ay yumakap siya sakin ng napaka higpit. Lalo ring tumindi ang pag iyak niya na alam kong luha ng kaligayahan. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong naibsan ko ang sandaling kalungkutan ni Camille, pero hanggang kailan to? Hanggang kailan ko maipapaktia na mahal ko nga siya? Hindi talaga to tama kahit sang angulo mo tingnan.

Akala ko iyon lang ang nais niyang mangyari, ang malaman niyang “Mahal” ko rin siya. Pero hindi.

“Jon, ayokong matapos tong sandaling to.”

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Hinigpitan ko na rin lang ang yakap ko para lang na malaman kong naintindihan ko ang sinabi niya.

Hindi ako manhid. Dama ko ang emosyon na gustong iparating ni Camille sakin. Sa totoo lang, natutuwa naman ako sa mga nangyayari ngayon pero hindi. Hindi ito ang inaasahan kong pakiramdam pag nangyari na sakin to. Akala ko mangyayari sakin yung parang mga nasa pelikuya ni Judy Ann at Wowie na halos patayin sa kilig ang mga manonood.

Natutuwa ako. Pero sa ibang lebel.

Matagal kameng magka yakap nang hindi nagsasalita. Wala ring pumapasok sa simbahan. Mistulang ibinigay talaga ng panginoon ang oras, lugar at pagkakataon na ito para samin.

Kailangan ako na ang gumalaw. Masyado na siyang matagal na naka yapos saakin.

“Camille upo muna tayo.”

Tumingin siya sakin, ngumiti at sumunod.
Nakaupo kaming pareho. Magkahawak pa rin ang kamay at hindi nag sasalita. Isinabit niya ang buhok niya sa kaliwa niyang tenga at tumingin sakin.

“Yan… di na ulit ako iiyak”

“Bakit naman?”

Umusod siya papalapit saakin. Magkadikit na kame ngayon.

“Kasi alam kong mahal mo din pala ako. Hindi ko na kailangang manghula oh anu..”

“I feel the same way..”

Isa nanamang kalahating kasinungalingan. Kalahati totoo, kalahati hinde.

“Jon, kung may hihilingin kang dalawang bagay ngayon, anu yon?”

“Ako? Hmm… Teka ah… HMm… Wala akong maisip eh. Pwede ikaw muna?”

“Sige… Una. Tulad nga ng sinabi ko sayo kanina, ayokong matapos tong pagkakataon na to. Jon, sayo ko pa lang nararamdaman to. Pangalawa…

Jon…

Can we kiss?”

Ikinabigla ko ang sinabi niyang yon. Hindi na siya nakontento sa pagsasabi ng mga salita, gusto pa may pasunod na aksyon. Pero ang totoo niyan… Ngayon ko lang naramdaman na nakapagpapaligaya ako ng ibang tao. Nararamdaman ko na talagang masaya si Camille ngayon. Sa puntong ito, kaya kong isaalang alang ang sarili kong kalinisan mula sa kasalanan para lang mapanatiling maligaya itong babaeng ito. Sabagay, nakuha ko nang magsinungaling kanina eh lubos-lubusin na natin.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung pano reresponde sa sinabi niyang yon. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin sakin. Pano gagawin ko? Gagayahin ko ba ung sa pelikula na hahawakan sa batok? O idadampi ko lang ang labi ko sa mga labi niya at hayaan nang pagalawin kame ng mga emosyon namin.

Bubukas na ang bibig ko para magsalta ng mga salitang hindi ko pa naiisp kung ano. Pero sa huling segundo ay nanahimik nanaman ako. Tama bang sayangin ko ang ‘unang halik’ ko sa babaeng hindi pa ako nakakasiguro kung mahal ko nga? Tama bang kunin ko ang ‘unang halik’ niya samantalang hindi pa naman buo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nagnanakaw ako at ninanakawan din ako. Pero hinde. Hindi ko na kayang basagin ang kaligayahan ng babaeng matagal kong pinangarap.

Nagtagpo ang aming mga mata. Humigpit ang hawak namin sa isat isa.

“Kung yun lang ba eh walang problema…”

Baka…

Baka… Gusto ko din talaga siya?

Naglapit ang aming mga mukha.

Nagtagpo ang aming mga labi.

Leave a Reply

Close Menu