Not Another Mushy Love Story – Ragnarok – 12

“Tito Jon bat wala ka pa ring asawa?”

“Nak ng tupa naman, ayan nanaman yang tanong na yan Carlo”

“Hindi ka ba nalulungkot sa buhay mo tito?”

“Alam mo… tinanong ko na sa dyos yan eh. Sa kabila ng pagiging mabait at matulungin kong tao e hindi ako nabiyayaan ng isang taong magaalaga sakin hanggang sa katandaan.”

“O, anu sabi ng diyos?”

“Literally, wala. Pero habang tinatanong ko sa kanya yon e may mga bagay na bigla na lang pumasok sa isip ko.”

“Anu yon ‘to?”

“Parang ganto eh…
1. Malusog ba ako? – Oo
2. Mahal ba ako ng mga kapamilya ko? – Oo
3. May sariling bahay ba ako? – Oo
4. Nabibili ko ba lahat ng gusto ko? – Oo
5. Nakakain ko ba lahat ng gusto ko? – Oo
6. Napupuntahan ko ba lahat ng gusto ko? – Oo
7. Marami ba akong kaibigan? – Oo
8. Tanggap ba ako ng lipunan? Oo
9. Mabuting mamamayan ba ako? – Oo
10. May mabuting asawa’t anak ba ako? – Wala

Sa sampung bagay na tinanong ko sa sarili ko eh isa lang ang hindi maganda. Dapat pa ba akong umangal?”

“Pero tito…”

“Ano nanaman?”

“Kakain na..”

“Ha?”

“Kakain na….”


“Seeeeer! Kakaen na pow tayu!!”

Isa sa mga misteryo ng buhay ko kung bakit ba laging si aling lucy ang sumisira ng mga panaginip ko.

“Sige sige bababa na ako”

Pag baba ko ng kwarto, lahat sila’y nakapalibot na sa hapag kainan. Tila pa ako na lang ang hinihintay. Nagdasal at kumain na kame. Habang kumakain kame, pinilit kong alalahanin ang panaginip ko. Ano yun? Tumanda akong binata? At sino si Carlo?

“Ma, Pa, Ate, may kilala kayong carlo?”

“Si Doc Carlo, yung doktor sa mata ng papa mo.” Sabi ni mama

“Carlo wala, pero Carlos meron” Sabi ni ate.

“Sinong Carlos un?”

“Bestfriend ko. Si kuya Caloy mo. Natuwa lang ako kasi kagabi lang nasabi niya na gusto niyang pangalan ng anak niya e Carlo.”

“Ahh.. sige sige” At nagpatuloy kame sa pagkain.

Ano ngayon ang koneksyon? Wala siguro. Panaginip lang naman un eh. Dreams are random nga daw diba? Pero kinabahan ako. Ang panaginip ko na yon, kala ko talagang totoo. Dama ko doon na numinipis na ang buhok ko, dama kong lumaki ang tyan ko at dama ko din na tumangkad na ako. Para talagang totoo. At yung Carlo na yon, pakiramdam ko talagang kilala ko siya.

Hindi pwedeng mangyari ang nangyari sa panaginip ko. Hindi ako tatandang binata.

CUM

“Camille, Ur Mine.”


Pagkatapos naming kumain, naligo at nag bihis na agad ako.

“Oh nak, san lakad natin?”


Flashback..

“Jon…”

“Bakit Camille?”

“May gagawin ka ba sa sunday?”

“Wala naman masyado, bakit?”

“Kasi anu… uhhm… ask ko lang sana kung pwede mo kong… kung pwede ba taong mag simba together?”

“Simba…? uhhm..”

“Hindi, kung ayaw mo ok lang sakin..”

“Gusto ko syempre, sige, magkita na lang tayo sa simbahan sa linggo. 2nd morning mass tayo ha”

“Sige ha… aasahan ko yan”


“Ahhm… Magsisimba lang po pa..”

“Oh, diba tuwing gabi tayo nag sisimba. Sabay sabay kasama mga mama mo at ate mo?”

“Sasama din po ako mamaya..”

“Bakit? Siguro… Ah… Sige sige. Alam ko na. Go anak! Yan ang gusto ko sayo!”

“Hehehe… Sige po pa..”

Ang galing ni papa. Alam na alam na agad. Basang basa na niya ang galaw ko. Siguro nga dapat simulan ko nang mag kwento sa kanya.

Sa tabi ng tindera ng sampaguita, nakaupo si Camille na tila bang naiinip na sa kakahintay sakin.

“Sensya na, knina ka pa ba dyan?”

“Hindi naman.. kakadating ko lang din. Tara pasok na tayo baka maubusan tayo ng upuan.”

Sabay kameng pumasok sa loob ng bimbahan. Humawak siya sa kaliwang braso ko habang kami’y naglalakad. Marami-rami kaming nakitang batchmates at classmates namin na tila hindi makapaniwala sa nakikita nila. Pakiramdam ko naman napaka “Macho” ko. Minsan masarap din pala yung ganun…

Nakaupo na kame sa ikatlong hilera mula sa altar. Magkatabi kame pero walang nagsasalita samin. Si Camille ay paikot ikot ang ulo, kala mo batang hinahanap ang kanyang ina, ako naman ay nakayuko at nagtatanong sa panginoon.

“Diyos ko, tama ba tong ginagawa ko?”
“Diyos ko, makatarungan ba tong naging desisyon ko?

“Magsitayo po tayong lahat…” Ang sabi ng isang boses na nagaling sa mga malalaking speaker sa tabi ng haligi ng simbahan. Nagsimula na ang misa.

Buong misa, pilit ko lang kinakausap ang sarili ko. Pilit kong hinahanapan ng sagot at kadahilanan ang mga bagay na pinagagagawa ko ngayon.
“Lord, mahal ko ba talaga siya?”
“Lord, tulungan mo kong alamin sa sarili ko.”
“Lord, ayokong makasakit ng tao.”
“Lord, sana taasan ang baon ko.”

“Tayo po’y mag hawak ng kamay at dasalin natin ang dasal na itinuro ng diyos saatin.”

Panahon na para kumanta ng Ama Namin. Kailangan hawakan mo ang kamay ng katabi mo habang ikinakanta ang dasal na may tinig.

Ang totoo ay nagaalinlangan akong abutin ang kamay ni Camille. Hinihintay ko na lang na abutin niya ang kamay ko. Pero hindi. Hindi gumagalaw ang kamay ni Camille. Magkadikit lang ang aming kamao pero hindi kame amgkahawak ng kamay. Nagsimula na ang kanta. Wala na. Hinawakan ko na ang kamay niya at iniangat ko. Napansin kong ngumiti siya bigla.

“Jon…”

“Bakit?”

“Pwede after mass wag muna taung umalis? May gagawin lang ako.”

“Sige sige.”

Hindi ko gaanong binigyang pansin ang sinabi niyang un dahil ang naisip ko ay baka mag aalay lang siya ng personal niyang dasal.

Matapos ang misa, umupo muna kame sa labas at hinintay maubos ang tao sa loob.

“Tara jon, punta tau sa altar.”

Marahan kameng lumakad sa altar. Sa gitna pa mimo ng simbahan, animo’y bagong kasal. Yun nga lang, walang tao, walang kampana, walang pari, walang palamuti at walang selebrasyon pero… pero…

“Jon may sasabihin sana ako sayo, gusto ko lang may makakita eh.”

“Makakita? Sino ang makakakita e tayo na lang ang tao. Mamaya pa ang susunod na misa.”

“Siya oh..”

Tinuto niya ang krus na nasa altar mismo. Ang tinutuko’y niyang manonood ay si Hesus.

“Jon… naisip ko kasi na… Hindi ko kayang mag sinungaling sa diyos at wala ring silbing mag sinungaling sa diyos dahil alam niya ang lahat. Gusto ko lang gawin to para malaman mo, at malaman na rin niya ang totoo.”

Teka teka teka… Hindi na tama to ah. Ano to kasal-kasalan?

“Uhhm… Sige game na baka may dumating pang iba..”

Lumapit pa siya ng ilang hakbang papalapit sa krus at hinila niya din ako. Nakatungo siya sa sahig na tila ang iisip ng malalim. Matapos ang isang malaking bugtong hininga ay nagsimula nanaman siyang magsalita.

“Jon…

Mahal kita”

Sa totoo lang alam ko na na eto ang sasabihin niya. Hindi ko lang binigyang pansin ang iniisip ko na iyon dahil hindi ko inisip na makakatanggap ako ng ganung kabibigat na salita sa gantong pagkakataon. Hinawakan niya ang kamay ko na animo’y kakanta ulit ng Ama Namin.

“Jon, ginawa ko to dahil totoo tong nararamdaman ko. Parusahan na sana ako ngayon din kung nagsisinungaling ako.”

nagsimula nang tumulo ang luha mula sa gilid ng mga mata niya. Malumanay na pag iyak lang. Luha lang at wala pang hikbi.

Hinawakan ko lang ng mahigpit ang kamay niya habang ang iisip ako ng kung ano ang gagawin. Inilabas ko ang panyo ko ay ipinunas ko sa luha niya…

“Oh… tama na. Wag ka nang umiyak.”

Nakaupo na kame sa gilid ng altar. Nakasandal siya sa balikat ko at nakaakbay naman ako sa kanya. Dito nagsimula na akong makarinig ng maliliit na hikbi. Inigihan ko pa ang pag punas sa luha niya.

Teka… Hindi ba dapat magsalita din ako? Inaasahan din ba niya ang mga katagang ‘Camille mahal kita?’ Tumayo siyang muli. Tumayo din ako. Naka balik na kame sa kanina naming posisyon.

“Jon…”

Sa oras na iyon gusto kong patigilin ang oras. Hindi ko gustong sabihin ang ‘Camille mahal kita’ sa tapat ni Hesus. Ayokong mag sinungaling. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pa. Masyado akong namamadali. Hindi ko inisip na ang Camille na nakilala ko bilang isang Maria Clara ay masyadong mabilis sa mga gantong bagay. Nabuhay ako sa paniniwalang lalaki dapat ang unang nag bubukas ng mga ganyang paksa. Lalaki dapat ang nagdadala. Pero bat ganto? Bakit ako ang nadadala? Bakit ako ang naiipit? Dyos ko, ayokong mag sinungaling. Gusto ko siya pero hindi ko sigurado kung mahal ko siya. Ayokong makasakit ng tao. Alam kong yon ang gusto niyang marinig sakin at hindi ko alam kung pano ko sasabihin ang nararamdaman ko.

Ano ba ang dapat kong sabihin?

‘Camille mahal din kita’ – Tulad nga ng sinabi ko knina, ayokong maging madali sa mga nararamdaman ko.
‘Camille hindi kita mahal’ – E kung sakin gawin to? Malamang nagpakamatay na ako. Hindi pwede…
‘Camille, uwi na tayo’ – Pwede kaso… Gumawa lang ako ng rason para tumakas sa sitwasing ikinaipitan ko.
‘Camille, Alien oh!’ – Hindi ako pwedeng mag biro sa mga gantong pagkakataon..

Wala… Walang ibang paraan. Hindi ko pwedeng sabihin ko sa kanya na ‘Camille mahal din kita’ dahil pag ginawa ko yon ay tatlong tao agad ang niloko ko. Siya, ang diyos at ang sarili ko. Hindi ko naman pwedeng ireject na lang basta basta ang bubuhos ng damdamin ng isang dalagita sakin. Magsinungaling o direktang manakit? Ano ang mas matimbang?

Isinasamo ko ang lahat ng santong maaaring tumulong sakin sa mga oras na iyon. Kailangan ko ang gabay ng espiritu santo, talino ni Haring Solomon at ang lakas ng loob ng mga desipulo. Kailangan lang makatakas kami dito. Kailangan may isang bagay na amg tulak samin para makaalis kame sa kinatatayuan namin na kasalukuyan kaming nakatali at naninigas.

Kailangan ko ng himala.

Ilang segundo pa ang hinihintay ko… Mukhang hindi nila pinapakinggan ang kahilingan ko. Parang pinipilit pa akong maging masama.

Manloko o makasakit?

Sige na. Sasabihin ko na lang na ‘Camille mahal din kita’ malay ba natin na tuluyang mabuo ang nararamdaman ko sa kanya. Baka masyado lang talaga akong nabibigla sa mga pangyayari. Masyado lang mabilis ang pagdedesisyon ko. Masyado lang akong naiipit.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, pinilit kong utuin at lokohin ang sarili ko para gawin ang isang bagay na tingin ko ay hindi tama. Pero sige, iisasaalangalang ko ang sarili kong kalinisan para lang hindi ko mapaiyak ang dilag na ilang taon ding nagtulak sakin para pumasok ng eskwelahan.

“Camille…”

“Jon…?”

“Ma…”

Leave a Reply

Close Menu