Not Another Mushy Love Story – Ragnarok – 10

“bakit? may sasabihin ka pa ba?”

“kwento ko pa ung isa kong manliligaw”

“aba, andame mong manliligaw ah, maganda ka ba? hahaha!”

“aba, kung alam mo lang! tingnan mo na lang sa friendster”

Andito na ako ngayon sa tapat ng bahay namin. Pero dahil natuwa ako sa pakikipag kwentuhan dito sa babaeng to ay umupo muna ako sa tapat ng gate.

“sige, kwento mo”

“1st year college un. 18th birthday ko nun. nasa bahay lang ako. medyo pinaghahandaan na namin ung celebration ng debut ko. icecelebrate kasi namin 1 week after. gabi na non, mga alas nwebe. tumawag ung frend kong babae. sabi nya…”


Flashback

“ui mae, labas ka ng bahay”

“ha? bakit?”

“basta lumabas ka lang!”

“hindi na pwede, magagalit si papa.”

“silip ka lang. sandali lang”

“anu ba kc un…”



“edi lumabas ka naman ng bahay?”

“ang plano ko nun, silipin lang sa gate, pag wala akong nakita e papasok na ult ako. umuulan kasi nun eh”

“oh anung nangyari?”

“pag baba ko ng kwarto, tinatanong ako ni papa kung san ako ppnta. sabi ko may sisilipin lang. nakikipag inuman si papa nun kay tito eh…”


Flashback

“o anak san ka ppnta, umuulan ah.”

“diyan lang po, parang may narinig po kasi ako sa labas eh.”


“pag labas ko… ayun..”

“anong ayun”

“may isang lalaki, nakatayo sa labas at may dalang boquet, naka puting polo. medyo nababasa na siya kasi umaambon nung mga oras na yon. una e hindi ko nilapitan, hindi ko kasi nakilala. tapos…

tapos…”


Flashback

“mae! happy birthday!

“jimmy?! jim! anong gnagawa mo dito?!”

“err… happy birthday? tama ba? december 21 ba ngayon?

“oo gagi! tara pasok ka muna! nababasa ka na dyan o!”

“hindi sige, dinaan ko lang yan dyan. aalis na din ako. may aasikasuhin pa ako e.”

“dali na pasok na!”


“sino naman yung jim na yon?”

“si jim.. school mate ko din nung highschool. naging close kame nyan nung 1st year kame. lagi kameng tinutukso ng klase. pinag papair up kame. e since komportable naman kame sa isa’t isa e sinakyan na lang namin ung joke. lagi nyang pabirong sinasabing mahal nya ako ganun… nagkalayo kame nung 2nd year and 3rd year pero naging close ult kame nung 4th year dahil magkaklase ult kame. minsan hindi ko na malaman kung biro pa ba o seryoso na ung mga sinasabi nya…”

“o bat natigilan ka? tuloy lng and2 pa ako”

“aaminin ko, medyo nadevelop ang feelings ko para sa taong yon. kaso hindi ko maintindihan kasi puro biro lang siya. pero minsan… naisipan kong itanong sa kanya…”


Flashback

“susungkitin ko ang lahat ng bitwin mula sa kalangitan at tatahiin ko sila gamit ang bahag-hari at gagawing kwintas para i alay sa iyo oh irog!”

“woooh, puro ka ganyan, totohanin mo nga?”

“asa ka naman!”

“pero kung humingi ako sayo ng wish, ibibigay mo ba?”

“bat naman hindi, basta a kaya ng powers ko eh”

“hawakan mo nga ang kamay ko at sabihin mong ‘mae, mahal kita’, un lang”


“aba, ikaw pa talaga nag insist ah, oh ano nangyari?”

“laking gulat ko, biglang tumigil yung kaka hagikgik nya, inabot nya ung kamay ko. alam kong sasabihin na nya. alam ko. nararamdaman ko. kaso…”


Flashback

“mae…”

“anu…”



“WAG MO KONG TINGNAN NG GANYAN! AMPANGIT MO! BWAHHAHAHHAHAHHAHA!”


“OH!? wahhahahaha!”

“tingnan mo tong taong to. hindi kaya nakakatuwa un..”

“sori na. nakakatawa tlaga eh. hahahha!”

“grabe ang pahiya ko nun sa sarili ko. parang… eto na ako, babae na ang nag bubuhos ng loob nya sayo, tapos pagtatawanan ka lang ng parang ganun. grabe tlaga. umiyak pa ako sa banyo nun eh.”

“bat ka naman umiyak?”

“hindi ko din alam eh, hindi ko alam kung ung dahilan ba e dahil hindi ako gusto ng taong gusto ko o dahil sobrang napahiya ako. siguro pareho.”

“oh ano nangyari pagkatapos nun?”

“ayun, normal na ulit. kaso nga lang tumigil na ang kanchawan. nagkahiyaan na kame. para bang hinintay na lang naming parehong matapos ang school year. tapos college, college magkaiba kame ng skul, pero wala nang communication”

“pagkatapos nyong grumaduate ng highschool e nawalan kayo ng communication? tapos heto siya bigla pumupunta sa bahay nyo?”

“parang ganun na nga…”

“sige, tuloy mo ung kwento.”

“edi un na nga… pinapasok ko siya ng bahay kasi basa na siya ng ulan..”


Flashback

“pa, si jim po, kaklase ko”

“ah kaklase mo. jim?”

“opo, magandang gabi po”

“ahh jim? bakit naman bulaklak ang naisipan mong ibigay sa anak ko sa birthday nya? pwede namang cake, damit, o kahit ano pang bagay bukod sa bulaklak”

“ahh. ehh wala naman ho.”

“ahh ganun ba? kasi ako nung nanliligaw ako sa nanay nitong si mae e bulaklak ang binibigay ko. tanong ko lang, nanliligaw ka na ba?”


“nako, nakakatakot naman tatay mo”

“hindi, nantitrip lang yon. malakas kasi trip nun eh! lahat ng lalaking pumupunta sa bahay ginaganun nya”

“haha, o cge, tapos?”


Flashback

“ha? eh. anu po?”

“tinatanong kita kung NANLILIGAW ka na ba sa anak ko?”

“ah uhhm… ano.. hindi PA po eh.”

“so pumunta ka lang dito para dalin lang yang bulaklak na yan sa anak ko para sa birthday nya?”

“ganun na nga ho..”

“sus anak!” mahina naman tong lalaking to, bukas na bukas din, lalakad tayo at ibibili kita ng madameng madameng bulaklak!”

“hindi, ano.. ang totoo po nyan e may isa pa po akong pakay kung bat ako pumunta dito.”

“at ano naman yon?”

“kasi ho, talagang naakit ako ng anak niyo. sino ba naman ho ang hindi mahuhulog sa mga katangiang taglay ng anak nyo? ngayon ho… nais ko sanang ipag paalam sa inyo kung pwede ko ho bang suyuin ang anak nyo?”

“yan ang gusto ko iho! apir tayo dyan!”

“ha? so pumapayag po kayo?”

“wala akong sagutin dyan? dyan mo itanong kay mae, basta ako, kampante na ako basta alam ko kung sino ang kasama ng anak ko, o pumasok muna kayo sa loob. pakainin mo siya anak.


“mukang gusto ng tatay mo ung lalaki ah”

“ganun naman lagi yon eh. sabi niya kasi samin e gusto nya rin daw iparanas sa mga manliligaw sa mga anak niya ang mga naranasan nyo noon nung nililigawan pa niya si mama”

“ahh ganun. sige, tuloy mo na”

“edi pumasok kame ng bahay, umupo lang kame sandali sa sopa. sinubukan kong kausapin pero parang nanigas siya dahil sa presensya ng tatay ko. hahaha!”

“natatakot?”

“parang ganun na nga. edi yon, tinanong ko kung may payong siya, wala daw. kaya pinaheram ko siya. nung pareho na kameng dalawang walang masabi e nag aya na siyang umuwi. sabi ko kay papa e ihahatid ko lang siya sa sakayan ng jeep…”


Flashback

“sensya na hindi ako makapagsalita kanina sa loob, nakakatakot tatay mo eh”

” “

“natatandaan mo pa ba ung ginawa mo sakin nung highschool?”

“ah yung anu ba…”

“kung natatandaan mo pa yon e ang kapal ng mukha mo para puntahan pa ako dito!”

“ha… eh kc…”

“patapusin mo muna ako! alam mo ba kung gano kasakit yon? i mean heto na ako, babae, nagbubuhos na ng nararamdaman ko sayo non tapos pagtatawanan mo lang ako?! tapos ngayon babalik ka na parang wala lang nangyare!?”



“grabe yon, umiiyak na ako nun”

“bat ka naman umiiyak?”

“siguro nandun pa din ung galit at hiya ko. o baka siguro gusto ko pa din siya nun”


Flashback

“mae, pasensya na. hindi ko lang alam kung pano magrereact sa ginawa mo non. hindi ko rin alam kung ikaw naman ang nag bibiro o hindi eh”

“baket? kailan ba ako nag biro ng ganon sayo?”
“mae, nandito din ako para humingi ng isa pang pagkakataon. nagkamali ako non. mapapatawad mo pa ba ako?”

“jim, hanggang ngayon dala ko pa din yung sakit ng kahihiyan na dinulot mo sakin non, tingin mo ganun kadali lang kitang mapapatawad?”


“ganun ka ba talaga nasaktan non?”

“isipin mo na lang ganto… nasugatan ako, malalim na sugat, ngayon may dalawang paraan lang para gumaling ang sugat, gagamutin mo o babayaan mong oras ang magpahilom dito. nung sinugatan niya ako, tiniis ko ang sakit. wala akong mapagbalingan ng atensyon, wala akong gamot. kaya ang tanging paraan nalang para gumaling ang sugat ko ay bayaang oras ang magpahilom dito, sa madaling salita e ibabaon ko na sa limot… kaso sa ginawa nyang pag balik nung birthday ko e para bang pilit niyang kinutkot ang sugat kong nagsisimula nang mag hilom. kinutkot niya hanggang tumulo ang dugo. masakit.”

“mm.. masakit nga. so, ano ngayon ang nangyari?”


Flashback

“hindi ko alam kung sa papaanong paraan mo ako mapapatawad, pero nandito na ako. ako naman ang nagbubuhos ng nararamdaman ko para sayo at umaasa akong tatanggapin mo to”

“ANG SELFISH MO! nung ako ang gumawa nyan e binigay mo ba sakin ang sagot na gusto ko? hindi naman diba? ngayon gusto mong ibigay ko sayo ang gusto mo samantalang noon ay hindi mo lang ipinagdamot sakin yon, pinagtawanan mo pa ako!”

“hindi naman ganon pero…”

“jim, gusto kita. hanggang ngayon. yung mga biruang ginawa natin noon nung highschool? inaalagaan ko yon. isa yon sa mga napakasasayang alaala ko. pero pag naiisip ko ang ginawa mo sakin, naiiyak na lang akong bigla. alam mo ba kung bat hindi kita kayang bigyan ng second chance?”

“bakit?”

“kasi kung nagawa mo kong lokohin non, pwede mo ring akong lokohin ngayon”

“matured na ako ngayon, hinding hindi kong gagawin sayo ko”

“ANONG MATURED?! isang taon pa lang ang nakalipas mula nung gawin mo sakin yon, ang kapal mo naman para masabi mong matured ka na matapos mo lang makatapak sa college”

“mae…”

“jon, hindi ko tinatanggap ang sorry mo, hindi kita bibigyan ng second chance, umalis ka na lang dahil kung ako mahal mo e mas gugustuhin mong maligaya ako at ang paraan lang para lumigaya ako e yung hindi na kita makita at maalala habang buhay. gusto kitang burahin sa alaala ko.”


“ang harsh mo naman. sobrang sakit non para sa lalaki”

Hindi na sumagot si Mae, imbis na boses ang marinig ko ay maiikling hikbi na nagpapahiwatig na umiiyak na siya.

“mae, ok ka lang?”

“ok lang ako *sniff*, ikaw kasi eh. dahil sa pagkwento ko sau nun naalala ko nanaman, parang kinalkal mo din ang sugat ko. hehehe… pero ok lang ako. matagal na yon.”

“sorry na, e ikaw naman ang may gustong mag kwento eh”

” *sniff* so kasalanan ko pa ngayon? hahaha!”

Biglang naramdaman kong bumukas ang gate sa likuran ko.

“Jon? Anong ginagawa mo dyan?”



ANO TO JOKE?!!!!

“Happy birthday Tito Jon!”

“Aaaba… Nakakatuwa naman. Kumpleto pa kayo at pinuntahan nyo pa ako dito sa bahay ko”

“Hipan mo na ung mga kandila tito, then make a wish”

“Bakit ganyan naman yang cake ko, tadtad ng kandila. Hahahha!”

“e baket ‘to, ilang taon ka na ba? 40 ka na dba? ayan, bilangin mo pa”

“hahaha! Sabagay. sige sige… *blows* “

O, wag kayong magulat. Ako pa rin to, si Jonard “El Guapoh” Madlangtuta. At oo, 40 years old na ako. Wala lang, naisipan ko lang i fastforward ang buhay ko.

Kasalukuyan na kameng kumakain ngayon. Nakakatuwa, talagang pinaghandaan talaga ng mga kapatid at pamangkin ko ang selebrasyon ng birthday ko kahit nais kong magtago sa araw na to. Nilapitan ako ng pamangkin kong pinaka dikit sakin, si Carlo, anak ni ate. Parang barkada ang turing ko sa kanya.

“To, matanong nga kita…”

“Sige, anu yon?”

“Bat wala ka pa ring asawa hanggang ngayon?”

“Aba, loko ka ah! Gusto mong bigwasan kita dyan! Hahahah”

“Nagtataka lang kasi ako, ang galing galing mong mag bigay ng tip sa panliligaw, kaya inisip ko e matinik ka sa chix nun. Pero bat wala?

“Ang doktor ba e kayang operahan ang sarili niya sa puso? Hindi diba? Hindi kayang gamutin ng doktor ang sarili niya, kaya mag hahanap siya ng ibang doktor para gumamot nito. TUlad din ng mga barbero, hindi nila kayang gupitan ang sarili nila.”

“Ha? Di ko ma gets ‘to”

“May mga taong magaling lang mag bigay ng payo pero hindi nila kayang i apply sa sarili nila, siguro isa na ako sa mga yon. Puro pag iisip at puro pag kakalap lang ng impormasyon tapos wala na. Puro teorya lang ang hawak ko. Teoryang gusto kong ipagawa sa iba kasi ako mismo hindi ko kayang gawin.”

“Aling mga teorya? Yun bang mga style mo? Yung mga pasampaguita-milo effect na tinuro mo sakin?”

“Oo ung mga ganun nga.”

“Gumana naman sakin ah, kaya ko nga napasagot si Kristine dahil dun eh. Hahaha!”

“Epektib nga. Hahaha!”

“Di mo ba tinry sa mga niligawan mo dati?”

“Wala akong niligawan.”

“Wala? E sino ung mga kinukwento mo sakin dati, ung magkapatid?”

“Wala mga babae lang sila. Mga babaeng dumaan lang sa buhay ko. Napakarame na nga nila eh”

“E bat di mo sinubukan ‘to?”

“Alam mo, kahit anu pang sabihin natin at anu pang gawin natin e wala nang makapagbabago pa dun”

“Hindi to, gusto ko lang marinig. Kwentuhan mo lang ako ulit.”

“Andame dame kong nagustuhang babae, hindi lang ung magkapatid na yon, ang kaso lang e mahina tlaga ako sa chix”

“O…”

“Plano ng plano, isip ng isip. Puro pa haging pero hanggang dun lang.”

“bat naman ganun ‘to?”

“Alam mo ung pakiramdam mo nung una kang nagka crush? Yung tipong nahihiya ka dun sa babae?”

“Oh, ung parang puppy love?”

“Oo ung ganun. Sabihin na lang natin na… hindi ako umusad sa stage na yon. Dumating ang high school, college, hanggang magkatrabaho ako, di na ako naalis dun. Hanggang nawalan na lang ako ng interes dahil matanda na ako.”

“Pero bakit nga ‘to, kala ko pa naman e sayo ko namana tong ka-Guapoh-han ko. Kaya ka nga namin tinawag na El Guapoh kasi kala namin amtinik ka sa chix”

“Eh wala eh, ganun tlaga.”

“Kwento mo naman, in full detail please?”

“Tang’na ka kokonyatan kita pag to kinwento mo kahit knino”

“Pramis ‘to, sating dalawa lang”

“Ang babae e nag hihintay lang na may manligaw sa knila, ngayon pag nakalatag na sa harap niya ung mga sumusuyo sa knya eh dapat pumili siya ng isa. Ano ano ba ang katangian ng “boyfriend material” na lalaki? Pogi, macho, mayaman. Basta ung Alpha Male type.”

“Hindi naman ‘to, dame kong nakikitang magagandang babae tapos mukhang kalyo ung syota”

“Oo oo oo, ilang milyong beses ko nang narinig yan. Kesyo hindi daw importante ang looks, kesyo hindi daw importante ang pera. Hindi totoo yan. Importante lahat yan. Oo siguro pag nandun na kayo sa “love” na stage e hindi na importante yon, pero pano ung mga stages before love?”

“Huh? Di ko ma gets pero cge tuloy mo lang ‘to”

“Bago maging kayo nung babae e dba dapat ligawan mo muna? Pano magiging kame kung bago pa lang ako manligaw e bagsak na ako? Para kasi payagan akong manligaw nung babae e dapat may konting bagay na positive muna sakin para atleast meron siyang pundasyon na dahilan para magpaligaw siya sa isang lalaki. Napaka paling factor dito ang kung ano ka sa labas. Magsisimula kasi yan sa infatuation. Pano magpapaligaw sau ung babae kung wala siyang nakikitang positive sa panlabas mo, mukha kang nerd, wala kang pam porma, wala kang kotse. Yung mga ganun.”

“So sinasabi mo na sa mga nakaraang karanasan mo e pakiramdam mo na hindi ka ganun ka “pogi” para dun sa babaeng gusto mo?”

“oo, parang ganun na nga”

“pero who knows? malay mo naman diba?”

“Tang’na, ilang milyong beses ko nang narinig yang mga “who knows?” “what if?” na yan. Nakakasawa na”

“Pero diba, may chance ka pa rin. Kasi hindi mo naman nalaman kung gusto ka ba talaga nung babae, o may chansang magustuhan ka nung babae”

“Alam mo Carlo, hindi ganun ka simple un eh. Napakaraming bagay na humihila sakin. Maraming bagay na nagtutulak sakin para subukan pero mas maraming bagay na pumipigil sakin.”

“Tulad ng ano?”

“Pinaka mahirap kalaban ang sarili. Wala kang laban don. Yung tipong ikaw mismo ang nag uudyok at pumipigil sa sarili mo. Walang sinong makakatulong sayo pag nangyari yon.”

“Pero hindi nyo ba naisip kung ano ang sakaling mangyari kung naging matapang ka lang?”

“Pag iniisip ko yan e naiinis lang ako. Parang gusto kong ngatngatin ung pulso ko para mamatay na. Hahahah!”

“Sayang naman ‘to”

“Isa pa sa mga iniisip ko nun eh, kaya ko bang ibigay ang sarili ko sa kanya. I mean… madame kasi akong pinagkakaabalahan na mga walang kwentang bagay non, hindi ko alam kung kaya ko bang bitawan yon para sa magiging ‘chix’ ko.”

“hmmm…”

“Swerte nga kayo eh. Ikaw bata pa lang e marunong nang mag gitara. Kumbaga e angat ka sa ibang kaedaran mo. Ikaw kayang tumugtog, sila hinde. Nakakatanggap ka ng madameng papuri dahil don. Maganda yon dahil dyan mabubuild up ang self confidence mo. Makikita mo na may bagay na mas angat ka kumpara sa iba. Hindi yong tulad ng iba na habanbuhay na lang naglalaway sa mga kayang gawin ng mga tao sa paligid niya. Pag ganun kasi, lalaki ka sa paniniwala na lahat ng tao ay mas magaling sayo sa lahat ng bagay. Mahirap lunukin yung ganon lalo na kung totoo.”

“Bat nyo naman na bring up yang pag gigitara ko?”

“Alam mo sa sarili mong magaling ka, dun nabubuo ung tiwala sa sarili. Isa yan sa mga gasolina mo sa panchichix. Nyahahhah! Makokondisyon kasi ang isip mo na ‘Magaling ako, magaling ako’. Hindi tulad ko non, mas mababa pa ako sa normal na estudyante pag dating sa mga ganyang bagay. Hindi ko pinapansin kung san ako magaling. Nainggit ako sa mga musikero, sa mga varvity, sa mga artist sa school at sa paligid ko kaya hindi ko na napagtuunan ng pansin ang magay kung saan mas angat ako sa iba”

“Ang gara mo kasi ‘to eh”

“Tang’na, parang ako na pinangangaralan mo ah. Baka nakakalimutan mo, Kinse ka pa lang. Kwarenta na ako, ako mas nakakatanda. Bat parang ako pa pinangangaralan mo ha! Umpog kita dyan sa pader eh.”

“Jok lan tito, jok lang. Nyahahha!”

“Ah basta, nandito na ako eh. Wala na akong magagawa. Magiging miserable lang ako pag nanatili ako sa nakaraan. Sige na, mag videoke muna kayo dun, yoyosi lang ako.”

“Sige ‘to, salamat po ulit sa kwento”

“Tang’nang bata to, naalala ko tuloy. Shiet.”

Leave a Reply

Close Menu