Not Another Mushy Love Story – Ragnarok – 09

Ano ba talaga ang plano ko? Sino ang nakakaalam ng lahat ng bagay tungkol sa isang tao bukod sa sarili niya, hindi ba’t ang taong pinaka malapit sa kanya? Sa kasong ito, ang pinaka malapit na tao kay Camille ay si Mae. Sa kanya ngayon ako kukuha ng impormasyon kung paano pa lalong mahuhulog ang loob sakin ni Camille. Kumbaga ba ay parang piprituhin ko siya sa sarili nyang mantika.

Ang kaso, lahat ito ay naka base lang sa teorya. Gagana lang ang plano kong ito kung Iisa lang ba talaga ang kapatid ni Camille at ang kalaro ko sa RO na si ~*Mae*~. Kung hindi man tama ang teorya ko, atleast nalaman ko at hindi na ako magtataka pa sa huli.

“Pan0 ba manligaw?”

Sent.

1 Message Receieved.

“Twagn na lang kta. Mahrap xplain sa txt eh”

“Brrrr… Brrr…

Hindi pa man din ako nakakapag react sa huling mensahe ay eto na, tumatawag na agad siya.

“oh totoy, bat mo naman naitanong ha? chix ba chix?”

“ehh, naisip ko lang, since babae ka naman, kung may nakakaalam kung anu ang gs2 ng mga babae e kapwa babae din nila dba?

“oo tama… unang tanong… pogi ka ba?”

“naman… kailangan ba yon?”

“haha! hindi biro lang, kahit mukha kang pwet, basta ma diskarte ka kaya mong mabihag ang damdamin nya”

“e panong diskarte ba yon?”

“kailangan lagi kang tatatak sa isip niya. kailangan maging unique ka! un.”

“pwedeng pahingi ng example?”

“o sige, pero wag kang maingay ha! ganto kasi yon… high school kame. may isa akong kaklase. di naman siya ganung kagwapuhan. anu un, maingay, joker, minsan bastos pa ung mga jokes nya. para lang siyang generic friend. super friend ng karamihan kumbaga. hindi ko alam may gusto pala sakin ang loko. mula nung pumutok ung balita, medyo hindi na siya maingay sa klase. tthitahimik na lang. then came valentines day. wierd kasi ang aga niyang pumasok nun. madalas kasing late yan.”

“bat mo alam? type mo na ata ung lalaki sa simula pa lang”

“uy hindi ah. wala kayang kadating dating un. kaya ko alam kase secretary ako ng klase. ako naka incharge sa pagrerecord ugok!”

“ahh, sige sige tuloy mo.”

“syempre, ako naman, dahil may chismis na umiikot na may gs2 sakin tong lalaking to e aaminin ko, medyo inisip kong baka may gawing kakaiba to ngayong araw na to. pero ayokong i entertain ung thought na un kasi baka madissapoint lang ako o ano.”

“o, kala ko ba d mo type ung lalaki, bat ka nag eexpect?”

“HALEER! babae ako no! hindi mo to maiintindihan pero… iba ung feeling pag may mag bbgay sau ng ganun, like, ang haba ng hair ko! gets mo?”

“ah ok ok gets. o tapos?”

“ayun, madame nang kaguluhang nangyayari. madame nang nag bibigayan ng bulaklak madame nang nagkakaaminan. typical na nagyayari pag highschool valentines day. un, lunch na wala pa siyang gnagawa, hanggang mag uwian”



Bigla kameng nanahimik pareho. Parang hindi na niya alam kung anu ung susunod na mangyayari sa kinunkwento niya.

“o dali tuloy mo na. wag na mambitin.”

“ah, sige. edi un. uwian na. walang dumadating. wala pala tong lalaking to. tapos maya maya… may tumatawag sakin…”


Flashback

“mae! mae!”

“oh ryan? bakit?”

“o, pra sau, happy valentines day”


“un… tapos bigla nang tumakbo.”

“wenks ganun lang?”

“oo. wala ngang kadating dating eh. tapos ung inabot pa sakin, plain white na maliit na paper bag. wala man alng design medyo mabigat.”

“oh anu laman?”

“ayoko na munang buksan, d ko pa feel eh. gs2 ko sana bubuksan ko pag kasama ko na ung mga girl frends ko. so nagkita kita na kame sa tambayan…”


Flashback

“oh mae, anu yang dala mo?”

“bigay ni ryan eh”

“sino? ung mataba? wahhahaha!”

“yabang mo naman! kala mo cya payat! hahhaha!”

“bsta bsta, buksan mo na!”

“nakakawalang gana eh, tingnan mo naman itsura nito. bato ata laman nito eh. ambigat bigat”

“e anung aasahan mo? ang tamad tamad nun eh. siguro pati sa panliligaw sayo e tnamad siya. haha!”

“andito na rin lang eh, buksan ko na noh?”


“oh anu laman?”

“teka, ako nagkukwento dba?! makinig ka na lang”


Flashback

“mae, sigurado kang para sayo to?”

“anak nang… anung klase to?”

“aba malay ko sau, tanong mo dun sa manliligaw mo”

“isang kilong milo na nakabaon sa lagas lagas na sampaguita? dapat ba akong matuwa?”

“layuan mo na yang lalaking yan, may problema sa pag iisip yan”


“isang kilong milo at sampaguita para sa valentines?”

“yeah. wierd no? wierd na nakakainis”

“anu ba naman un, parang nangiinis pa”

“wag mo agad i judge ung gift nya na yon. pag uwi ko kasi kinalikot ko ult ung regalo. nakita ko may naka tape sa likod nung milo. letter pala. don nakalagay kung bakit yan ang napili nyang regalo.”

“aba may ganon pala, anu nakasulat?”

“well, ayoko nang sabihin lahat, super mushy kasi eh pero ung una… ginawan niya ng acronym ung milo… M-I-L-O”

“anu naman ibig sbaihin nun”

“Mae I Labyu Olways”

“ang korni ampf… “

“korni nga pero kinilig ako dun. ayiiie~”

“nakalagay ba dun kung bakit milo at sampaguita ung bnigay nya?”

“errm… oo… sabi nya dun…”


*Quote*

Tradisyon na ng mga pinoy na bigyan ng tsokolate at bulaklak ang dilag na kanilang napupusuan. Sa pagkakataong ito ay nais kong ibahin ngunit panatilihin ang nasabing tradisyon. Kaya heto, tanggapin mo sana ‘tong aking Milo’t Sampaguita. Pero huwag ka sanang agarang mainis. May dahilan pa rin kung bakit yan ang napili ko para sayo.


“aaaaaang korni grabe… anu pa kasunod?”

“eto pa…”


*Quote*

Ang pinili ko bilang tsokolate ay Milo, your olympic energy drink! Pag uminom ka ng milo hindi ba’t mapupuno ka ng enerhiya upang gawin ang mga dapat mong gawin? Tulad na lang pag nakikita kita. Sa twing nakikita kita ay napapawi ang lahat ng pagod na nararamdaman ko at nabibigyan pa ako nito ng kakaibang saya. Isa pang dahilan ay: Hindi ba’t gawa sa milyon milyong butil ang isang pakete ng Milo. Kung tutuusin nga e hindi ito kayang bilangin ng kahit sino man. Tulad ng pag ibig ko sayo, hindi kayang tapatan ng kahit anung numero. Nag uumapaw ito hanggang sa puntong hindi ko na kayang itago.

“teka seryoso ka ba? baka naman gawa gawa mo lang yan?”

“oo nga. bahala ka kung ayaw mong maniwala.”

“sige tuloy mo, ung sa sampaguita naman pano?”

“ung sa sampaguita…”


*Quote*

Hindi ba’t madalas inaalay ang sampaguita sa mga santo? At ang mga santo ay nirerespeto at ginagalang. Ganyan din ang turing ko sayo. Nirerespeto ko ang buo mong pagkatao tulad ng pagrespeto ko sa mga santo. Hinbi ba’t ang sampaguita ay kahit na malanta ay nananatili pa ring mabango ang amoy? Maihahalintulad ko diyan ang pagibig ko. Kahit anong gawin ay mananatili ako sa iyong tabi. Hindi ako kailan mang malalanta. Kulay puti ang…


“tama na tama na tama na. d ko na kaya.”

“yabang mo naman! wag mo namang laitin ang unang love letter na todong nagpa kilig sakin!”

“seryoso ka kinilig ka dyan?”

“oo. naramdaman ko kung gano cya ka seryoso… ata.”

“so anong nangyari? naging kayo?”

“well, ineexpect ko na after sana nun e gagawa na siya ng move. i mean diba 1st step is always the hardest. e nalampasan na nya eh. kaso wala”

“anong wala”
“wala, same same pa rin ang nangyayari. ganun pa rin ang pakiki tungo nya sakin. kung gumalaw lang sana cya…”

“so dahil sa gnawa nyang yon e na in love ka sa kanya?”

“uhhm… in a way. para bang… tinanim niya ang buto ng pag ibig sa damdamin ko. ang problema, ni minsan e hindi niya diniligan”

“so kung pinagpatuloy nya sana e sasagutin mo siya?”

“bakit hinde? maganda naman ang simula nya eh. sayang tlaga.”

“ok ok, so isang factor para magustuhan ako ng babae e papakiligin ko siya sa pamamagitan ng sulat na may mga acronyms na pinilit at gagamitan ko ng malalim (at baduy) na tagalog?”

“hindi naman.. kailangan mo lang mahuli ang kiliti nya. ako kc natuwa ako sa letter eh. akalain mo ba namang paipagkonekonekta nya pa ung sampaguita at milo dba?”

“sabagay…”

“at isa pa, dahil sa ginawa nyang yan e tuwing tatanungin ako kung anu ang pinaka best o pinaka wierd na regalo na natanggap ko ay siya agad ang pmapasok sa isip ko. lagi ko tuloy siyang naalala. hanggang ngayon.”

Sabay nanaman kaming nanahimik sa hindi malamang dahilan.

“hmmm… ung crush ko kc… ang name nya e cam…”

“camille?!”

“ah… hindi. carmela. hehe”

“ahm kala ko camille eh”

“may naisip na tuloy ako.”

“ano?”

“CUM”

“CUM!? da hek?!”

“uu… Carmela Ur Mine, maganda naman diba?”

“wag naman ganun totoy. d nya magugustuhan un.”
“sige… so pano, andito na ako samin. tawagan na lang ult kita next time. salamat nga pala sa payo”

“teka teka teka, mmya mo na ibaba. usap pa tayo”

“baket?”

Leave a Reply

Close Menu