Not Another Mushy Love Story – Ragnarok – 01 (Tagalog)

This is a fan fiction that I have read years ago. It was written by Ryan Jaube Reyes. The original forums where I first read it was taken down so I had to ask Mr. Reyes himself if I could get a copy of “NAMLS – Not Another Mushy Love Story” so I can share it here. The fiction is written in Filipino language and based on an MMORPG online game Ragranok.

 

“Anak nang… 30 mins ko…”
Yan na lang ang nasabi ko nang bigla akong i frost-JT-FB ng isang agre na wizard sa Byalan 4.

“bad3p ampepe… bibili na nga ako ng insu bukas. Kainis!”
Ako si Jaube. Isang lvl 59 na Knight at mukhang hindi na uusad. Andito ako ngayon sa right kafra ng prontera, naghihintay na merong mag online sa mga tropa ko… nang biglang may lumapit.

“kua palimos po PLZ!” sabi ng isang novice na babae.
“bakit?” lang ang sinabi ko. balak ko cyang kausapin pa ng konti dahil wala naman akong ginagawa.
“palimos poh!”

“ng ano?”

“pera po”

“para san?”

“pambili po ng red potion”

“hindi mo ba kaya mag isa?”

“hindi po eh. kasi po mag a-acolyte ako so lahat ng stats ko po e nasa int. kaya po mahirap”

“edi ayus un! marami kang SP pang first aid!”

” ”

Biglang nag online ang tropa kong low level na high priest, kaka trancend nya lang.

“o tingnan mo yan. kasabay ko noon yang high priest na yan pero nauna pa sakin. lahat ng stats nya nasa int din noon pero nagawa nya pa ring maging high priest. kaya mo naman yan eh. iniisip mo lang kasi na magiging madali ang buhay mo dahil meron ka nang mahihingan. pki tandaan lang, lahat kami dito ay nag simula sa wala pero nagawa pa rin naming makamit ang level namin na to. hindi naman gagawin ng gravity na imposibleng makaalis na sa sitwasyon mo eh. konting tyaga lang at makakamit mo rin ang level na tulad namiN!”

“bakit kuya, level mo na po ba?”

“95 na ako! manual yan! walang bot bot!

“waw lakas! sige na kuya pam potion lang po PLZ!” sabay deal sakin. ~*mae*~ requests a deal.

Sa hindi ko alam na dahilan e na “ok” ko ung deal nya. Namutla ako bigla.

“waaaaaaaaa! lvl 59 ka pa alng pala eh! kung ako magiging acolyte ngaun e kaya kong abutin yang level na yan ng less than 1 week!”

“yabang mu ah! ikaw na nga lang tong nanlilimos e ikaw pa yang ganyan! bahala ka!”

“andame mo pa kasing sinasabi. e kung binigyan mo kanina pa yan e kanina pa sana lumayas yan” sabi ng tropa kong high priest na nakalimutan ko na andyan lang pala.

“kung gusto mo eh pustahan pa eh! pag level 59 na ako next monday e akin na lang yang headgear mo!” ang tinutukoy nya e ang suot kong Neko Mimi na nakuha ko sa LU! live. Yan lang ang tangi kong kayamanan.

“e pano pag natalo ka?” sabi ko.

“bibigyan kita ng kahit anong headgear sa hypermart na gusto mo!”

TIME SPACE WARP!

Biglang bumagal ang paligid ko. Isa lang ang bagay na pumasok sa isip ko nun.

YES! MAG KAKA FAW NA AKO! Ang pinapangarap kong headgear ay makakamit ko na! Sobrang exited ko pero hindi ko pinahalata dahil baka bawiin pa nito.

“kahit anong headgear?”

“kahit anong headgear”

“kahit FLYING ANGEL WING!?”

“kahit flying angel wing”

Tuwang tuwa ako noon. Akala mo bang sinagot na ako ng matagal ko nang nililigawan. Pero hindi ko pa rin ipinahalata.

“aba confident na confident ka ah. sige, magkita tayo dito pagkatapos ng isang linggo. gantong oras din. alas sais ng gabi. i add na rin kita sa friends ko para ma PM kita kung sakaling hindi ka dumating”

“baliw ka ba? alam mo bang nasa valkyrie server tayo? uso ba ang PM dito?”

” “

“add na lang kita sa friendster at YM para pm kita pag kukunin ko na yang neko mimi KO. “ “

“aba! sige! iaaprove ko na lang ngayon din para ippm kita pag kukunin ko na yang flying angel wing KO!”

“asa ka naman! tingnan na lang natin”

“sige umalis ka na. dalian mong mag pa level baka hindi mo makuha tong neko mimi KO”

“e toyo ka pala eh. i tank mo kaya muna ako para maging acolyte ako. un ang usapan diba? pag acolyte ako ngayon tsaka mag tatake effect ung deal”

“**** naman. parang nautakan mo ko dun ah”

“ayaw mo ba ng flywing angel wing KO?”

“sige na sige na. level mo na ba?”

“level 1”

“ampf… bat d ka nag training grounds muna?”

“walang tanker dun eh. dalian mo naman. may gagawin pa ako mamaya”

**malakipas ang isang oras at bente minutos**

“yes sa wakas acolyte na ako!”

“bweset ka. hindi ko naman alam na may choco dun! na deds 2loy ako ng apat na beses amp!”

“ang weak mo po”

“AMPF!!”

“sige na, papa level na ako para makuha ko yang neko mimi KO sa monday. at paki approve na lang ung sa frendster at YM ha. msg ko na rin sau ung number ko pra kung hindi man online eh ma memesage pa rin kita”

“talagang seryoso ka sa neko mimi ko ha?”

“wala ka nang pakealam dun. basta mapapa sakin yan. sige pa level na ako”

Nag log out na rin ako makalipas ang ilang minuto. Kinikilig pa rin ako apg iniisip ko na sa isang linggo e magkakaron ako ng FLYWING ANGEL WING! Nilalamig ako. Nanginginig ang tuhod ko. Sumasakit ang tyan ko. Natatae pala ako. Umuwi muna ako para mag pahinga.

Kinabukasan, pagkatapos ng skul, 4:00 pm

“hmm… parang nawawalan ako ng pera. teka nga. bilangin ko ulit. 6 php x 2 = 12 pesos na pamasahe papunta at pabalik ng skul. 10 pesos, isang basong orange juice para sa recess. 5 pesos na pinambili ko ng extrajoss para sa lunch… 12+10+5 = 27… 100-27= 73.
..

….
WAAAAAAAA! **** nawawalan ako ng bente. malas naman!”

Isa lang akong 3rd year highschool student. Ang baon ko sa isang araw ay 100 pesos. Malaking halaga nito ang napupunta sa pag raragnarok. May pagkain naman sa bahay eh.

“… potsa nagugutom ako.”

Nakaramdam ako ng gutom. Sino ba naman ang hindi? Ikaw ba naman, ang kainin mo lang buong araw ay orange juice at extra joss. Tiningnan ko kung anu anu ang mga pagkain na mabibili sa labas ng skul. Chicken Sandwich 12 php. Cheese Waffle 10 php. 4 Pcs Siomai 20 php. Fish ball .50 php. Sa ngayon meron akong 59 pesos. Dapat 79 kaso nawawala ang bente ko. Ang anim na piso dyan ay naka laan na para sa pamasahe ko pauwi kaya ang pwede ko lang gastusin ay 53 pesos. Kung hindi sana nawala ang bente ko ay ganto ang breakdown ng expenses ko after class. 45 php pang rent ng pc (15 php isang oras at 3 hours lang ako mag lalaro) + 20 php idadagdag ko sa ipon ko (pambili ko ng whisper card) + 6 pesos pamasahe pauwi + 8 pesos na nilalagay ko sa alkansya = 79 pesos. Pero ngayon, ang perang pwede kong gastusin ay 53 pesos (nakatabi na ang pamasahe). Hmm… Nakapagdesisyon na ako.

“manong, tatlong pisong pish bol nga ho

Tatlong pisong fish ball (anim na piraso) ang aking naging panawid gutom sa araw na yon. 45 php ay nakalaan sa aking pang laro at ang 5 php ay idadagdag ko na sa ipon ko. Ayos. Pumasok na lang ulit ako ng skul upang uminom sa drinking fountain at pagkatapos ay dumiretso na ako sa computer shop.

“ate, palaro d2. number 4.”

Nag log in ako sa isinumpang Valkyrie server, ayus, madali lang mag log in. Wala na akong pakealam kung delay, hindi naman ako nakiki party eh.

Nakapasok na ako sa mundo ng Midgard. Narito pa rin ako sa right Kafra kung saan ko iniwan ang character ko. Tutungo na sana ulit ako sa Byalan 4 upang mag pa level pero may napansin akong kakaiba…”

“kuya… knina pa kita hinihintay dito”

Ang laking gulat ko sa nakita ko. Isang acolyte na naka Sheep Hat at ELVEN EARS! Si ~*mae*~ pala!

“WAAAAAA!! AMPF! naka elven ears! LEVEL 70 KA NA!? WAAAAAAA!!”

“ampf… noob tlaga. neo elven ears yan tungakz! kahit anung level pwedeng i soot yan “

“ah.. :sigh: buti na lang! so ibig sabihin low level ka pa rin?! nice!”

“hoy anong low level? lvl 41 na ako!”

“sus 41 lang. kaya ko dn un eh. mahirap yan pag dating mo na ng 50+ sa gh!”

“sige tingnan na lang natin. nga pala, ndi mo pa ako naaprove sa friendster at yung YM mo hindi ka naman nag oonline”

“sige teka approve ko na frendster. brb alt tab lang”

“mae-mae name ko dun ah”

Nag open na ako ng friendster. Napakatagal ko na nga palang hindi ito na bubuksan, masyado akong naging busy sa ragnarok. Andameng friend request pero hinanap ko agad ang sa kanya, “mae-mae” daw. Tsk, nakakahiya. walang ka laman laman ang profile ko pati ang pictures ko. Isa nga lang ang picture ko dun eh at yun ang ID picture ko nung 2nd year pa. Pero wala naman akong pakealam dun. . . . Pagka open ko ng profile ni mae-mae, aba! isa agad ang pumasok sa isip ko.

“chixi ampf…”

Pagbalik sa ragnarok…

“yan na approve ko na, ang GANDA mo naman sa PICS mo “

“ampf. flirt amp. bata ka pa. magpa circumcise ka muna “

“anu ka! tuli na ako nung grade 6 pa!”

“sus. watever. sige na. aalis na ako at kailangan ko pang mag level 59 sa loob ng anim na araw!”

Hindi ko na nakuhang mag salita dahil habang sinasabi nya un ay nag bukas na rin cya ng warp portal sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.

Inupo ko muna ang knight ko sa tabi ng poste sa right Kafra, kung saan ito ay laging naka tambay. Nag alt tab ako dahil susuriin ko kung chixi nga talaga to. Kahit ganito ay alam ko naman kung pano malaman kung pang chixi ba ang isang friendster account. Heto ang mga napansin ko.

Napaka common ng pangalan “Mae Santos”. Napakaraming Mae at mas lalong napakarameng Santos. Halatang hindi pinag isipan. Chixi Points +1

Napaka-ganda nung babae sa picture. Mestisang chinita na nag aaral sa isang mataas at kilalang unibersidad. Napaka tipikal na gamitin sa panchichixi. Sa kasong ito, ang “babae” umano ay nag aaral sa De La Salle – College of Saint Benilde sa kursong “CDA” na hindi ko alam ang ibig sabihin. Chixi Points +1

Ang email ad nya. cutie_maemae12@yahoo.com. Masyadong ginawang “pa gurl” ang email na to. Dagdag na rin sa pang akit sa kung sino man ang bibiktimahin nito, sa pagkakataong ito ay ako ang biktima nya. Pasensya na lang siya at hindi ako ganun kadaling mauto. Chixi Points +1

Pero sa kabilang banda ay may mga bagay na makikita sa profile na to nakapagsasabing tunay na babae nga si Mae Mae.

Kung aanalisahin mong mabuti ang profile nya ay mapapansin mo ito: Member Since: Oct 2003. Kung ito ay isang chixi account lang e bakit napakatagal na nyang member? Non-Chixi Points +1

Napaka ganda ng profile nya. Kumpleto. May pa girl-rocker na background at may sounds pati videos din cya ng mga hindi ko kilalang banda o singer tulad na lang ng “Fall-Out Boy”. halatang pinag hirapan. Kung chixi account lang ba ito ay pag hihrapan nya ba ng ganto ang profile nya? Non-Chixi Points +1

Kumpleto sa pictures. Napakrameng nyang pictures. Nung huli akong gumamit ng friendster ay ang alam ko ay 50 photos lang ang pwede mong ilagay. Sakanya ay napaka dame at may iba’t ibang album pa. Tinyaga kong isa-isahin ang pictures nya. Para bang lahat ng gawin nya ay may picture. talagang kumpleto. At isa pa, kasama din dito ang ilan sa screenshots nya na nagmula sa ragnarok. Siya pala ay galing ng baldur na na hack at ngayon ay lumipat sa Valkyrie. Kung ito ba ay chixi account lang e magagawa ba nitong kunin ang ganoong kadameng larawan ng isang tao nang walang paalam? Non-Chixi Points +1

Nakaka-kumbinsi ang comments nya. Napakarame nyang comments. At hindi lang basta comments! Makikita mo dun ang mga comments tulad ng mga pag congratulate sa kanya, pag sosorry sa kanya at kung ano ano pang may kaugnayan sa buhay nya na base sa mga nakita ko sa pictures nya. Idagdag mo pa ang mga comments na tulad ng “hoy tigilan mo na yang kakaragnarok mo at pumasok ka naman!”, “pa boost naman!”, at “sigurado ka? sige try natin valkyrie. kaso sabi nila pangit daw eh”. Sa bawat comment na may kaugnayan sa ragnarok ang mababasa ko ay tinitingnan ko ang profile ng tao na nag comment nun. Buhay, aktibo at totoo ang kanilang mga accounts. Kung chixi lang to e makakakuha ba to ng nga tunay na tao na tulad nito? Non-Chixi Points +1

Chixi Points = 3
Non-Chixi Points = 4

Mas lamang ang mga patunay na hindi nga cya chixi.

Naubos ang tatlong oras ko sa kaka tingin lang a profile nya. Natagalan ako dahil sa dame ng pics at comments nya. Pag labas ko ng shop ay yun pa rin ang nasa isip ko. Ang nasabi ko na lang ay…

“ah basta, chixi un.”

This Post Has One Comment

  1. Hey webmaster
    When you write some blogs and share with us,that is a hard work for you but share makes you happly right?
    yes I am a blogger too,and I wanna share with you my method to make some extra cash,not too much
    maybe $100 a day,but when you keep up the work,the cash will come in much and more.more info you can checkout my blog.
    http://bit.ly/makemoneymethod2018
    good luck and cheers!

Leave a Reply

Close Menu